Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Shaheed Rajaee Port Incident Investigation Committee ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya at hinihiling, na ang mga nasugatan ay mabilis na gumaling, at inihayag ang mga bagong detalye tungkol sa proseso ng imbestigasyon sa insidente:
1. Pag-aresto sa mga pangunahing suspek:
Matapos matukoy ang kapabayaan ng ilang opisyal batay sa inisyal na ulat ng Notice No. 1, isang tagapamahala ng gobyerno at isang tagapamahala mula sa pribadong sektor ang inaresto sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na warrant. Ang proseso ng pagpapatawag at pag-iimbestiga sa iba pang mga nasasakdal ay isinasagawa na rin sa kaasalukuyan.
2. Pag-follow up sa mga maling pahayag:
Ang mga indibidwal na nagbigay ng mga maling impormasyon ay natukoy, at ang pagpapatawag at proseso ng paunang pagsisiyasat ay nagpapatuloy na rin sa kasalukuyan.
3. Isinasagawa ang mga teknikal na pagsusuri:
Binigyang-diin ng komite, na ang pagtukoy sa tiyak na dahilan ng aksidente ay nangangailangan ng pagkumpleto ng mga ekspertong pagsisiyasat, teknikal at mga hakbang sa laboratoryo, na maingat para isinasagawa.
4. Pangako sa transparency at pagiging mapagpasyahan:
Ang Review Committee, habang pinapanatili ang isang walang kinikilingan at komprehensibong diskarte, ay nakatuon sa paghawak ng usapin nang walang pagkiling at pagbibigay ng malinaw na impormasyon sa publiko.
Inihayag naman ng gobyernong komite, na ang mga kasunod na ulat ay ilalathala habang umuusad ang imbestigasyon at upang ipaalam sa opinion ng mga publiko.
Nararapat na irn banggitin, na ang napakalaking pagsabog sa Sina Container Terminal sa Shaheed Rajaee Port noong Mayo 26, 2025, ay nag-iwan ng hindi bababa sa 70 nasawing patay at mahigit naman sa 1,200 ang bilang ng mga nasugatan. Itinuturo ng mga paunang ulat, na ang mga paglabag sa kaligtasan at hindi wastong pag-iimbak ng mga mapanganib na materyales bilang posibleng mga salik sa sakuna.
..............
328
Your Comment